^

Metro

Mag-asawa huli sa entrapment: 29 exotic birds nakumpiska

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Dinakip sa entrapment operation ng mga ahente ng National Bureau of Investigation-Environmental Crimes Division (NBI-EnCD) ang mag-asawang negos­yante dahil sa pagbebenta ng exotic birds.

Kinilala ang mga suspek na sina Fe Anita Dulay Qua at Wilson Qua na nabigong magprisinta ng kaukulang permit o lisensya para sa pagbebenta ng wildlife.

Nag-ugat ang operasyon sa intel report at isinagawang casing at surveillance operation laban sa mag-asawa na napatunayang nagbebenta ng “Sun Conure”

Batay sa beripikasyon ng NBI sa Department of Environment and Natural Resources - National Capital Region at Biodiversity Management Bureau (BMB), lumabas na ang exotic birds na nabanggit ay nasa ka­tegoryang “Endangered Species”.

Nitong Marso 9, 2023 nang ikasa ang operasyon na nagresulta sa pag-aresto sa dalawa at pagsamsam ng 29 na Sun Conure birds.

KInabukasan ay agad silang isinailalim sa inquest proceedings sa Manila City Prosecutor sa paglabag sa Wildlife Resources Conservation and Protection Act, (in relation to R.A. 10175).

BIRDS

EXOTIC

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with