^

Metro

150 pamilya nasunugan sa Sucat

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
150 pamilya nasunugan sa Sucat
Firefighters responded to a third alarm fire that hit a residential area along Upper Sucat in Barangay Sucat, Muntinlupa City on February 24, 2023.
Photo courtesy of UKC R.L Abanto Fire Volunteer/Fire and Rescue Alert Responders

MANILA, Philippines — Nasa 150 pamilya ang nawalan ng tahanan habang tatlo ang iniulat na nasugatan sa naganap na sunog sa residentail area sa Sucat, Muntinlupa City, kahapon.

Sa ulat ng Muntinlupa City Fire Station, dakong alas-12:39 ng tanghali nang magsimula ang sunog sa  44 Upper Sucat, Brgy. Sucat, Muntinlupa sa bahay na pag-aari ng isang Jinna Lucero.

Dakong alas-2 ng hapon nang ideklara itong fire under control. 

Tinatayang P300,000 ang napinsalang ari-arian mula sa humigit-kumulang 50 kabahayan na natupok.

Umabot sa 25 fire truck mula sa Bureau of Fire Protection, local government units at volunteer groups ang nagtulung-tulong sa pag-apula ng apoy.

Nasa 7 ambulansiya rin ang umalalay sa insidente.

Inaalam pa ng Bureau of Fire kung ano ang pinagmulan ng sunog.

BUREAU OF FIRE

FIRE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with