^

Metro

416 inmates pinalaya ng BuCor

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nasa kabuuang 416 inmates o persons deprived of liberty (PDLs) ang pinalaya kahapon ng Bureau of Corrections (BuCor) makaraang mapagsilbihan na ang kanilang sentensya o kaya naman ay napawalang-sala sa kanilang kasong kinakaharap.

Pinangunahan ni Department of Justice (DOJ) Secretary Jesus Crispin Remulla ang seremonya kasama si Public Attorney’s Office head, Atty. Percida Acosta, sa pagbibigay ng kanilang mga sertipiko ng paglaya.

“Sa tingin ko naman ang pagpapalaya ng mga tao na nagbayad na sa lipunan ay isang mabuting gawain,” saad ni Remulla. “Ito po ay hindi ko titigilan hangga’t ako po ay secretary of justice,” dagdag niya.

Para mapaluwag ang bilangguan, sinabi ni Remulla na buwan-buwan ay magpapalaya sila ng mga PDLs na dapat nang lumaya makaraan na maisailalim sa pagsusuri ang kanilang mga kaso at kundisyon.

Kabilang sa mga napalaya ay 78 PDLs na napawalang-sala na, 81 na nabigyan ng parole, at walo na nagkuwalipika para sa probation.  Ang iba pang PDLs na napalaya ay ang mga nagsilbi na ng kanilang sintensya at nagkuwalipika base sa merito sa ilalim ng Good Conduct Time Allowance (GCTA)

BUCOR

DOJ

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with