^

Metro

Angkas rider arestado sa pagpatay sa motorista na nagkansela ng booking

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Angkas rider arestado sa pagpatay sa motorista na nagkansela ng booking
Kinilala lang ng Pasig City Police ang suspect na si alyas Roy, na isang Angkas rider, at residente ng Brgy. Sauyo, Novaliches, Quezon City.
STAR/File

MANILA, Philippines — Timbog ang isang Angkas rider na itinuturong siyang namaril at nakapatay sa isang motorista sa Pasig City nitong Linggo nang dahil lang umano sa kanselasyon ng booking.

Kinilala lang ng Pasig City Police ang suspect na si alyas Roy, na isang Angkas rider, at residente ng Brgy. Sauyo, Novaliches, Quezon City.

Siya ang itinuturong suspek sa pamamaril at pagpatay sa biktimang si alyas Mark, 37, at residente ng Brgy. San Antonio, Parañaque City.

Batay sa naantalang ulat ng Pasig City Police, lumilitaw na bago ang pag-aresto ay pinagbabaril ng isang ‘di kilalang rider ang biktima sa C6 Road kanto ng Kenneth Road, sa Brgy. Pinagbuhatan, Pasig City dakong alas-11:25 ng gabi ng Pebrero 5, 2023.

Sakay umano ang biktima sa isang puting Toyota Fortuner, kasama ang kanyang mga kaibigan, nang bigla na lang siyang pagbabarilin ng suspek na lulan ng isang pulang NMAX motorcycle, bago mabilis na tumakas patungo sa C6 Road, Taytay, Rizal.

Tinangka pang isugod ang biktima sa Pasig City General Hospital ngunit hindi na ito umabot pa ng buhay dahil sa mga tama ng bala sa katawan.

Sa isinagawa namang imbestigasyon ng mga tauhan ng Follow-Up Section at Station Intelligence Section ng Pasig CPS, kasama ang mga elemento ng Police Station 3, ng Quezon City Police District (QCPD), ay natunton nila ang pagkakakilanlan ng suspek, na nagresulta sa pagkadakip nito sa isang follow-up operation kinabukasan.

Ayon kay Pasig City Police chief, Pcol. Celerino Sacro Jr., nakakalap ang kanyang mga tauhan ng mga video footage ng krimen at nakita ang des­kripsiyon ng motorsiklo na ginamit.

Sa beripikasyong isinagawa ng Station Investigation and Detective Management Section sa Land Transportation Office (LTO), natukoy nila ang pagkakakilanlan ng may-ari ng naturang motorsiklo at ang kinaroroonan nito.

Lumitaw rin sa imbestigasyon na bago ang krimen ay nakaalitan ng biktima ang naturang suspek, hinggil sa kanselasyon ng kanilang booking dito.

Nagbanta pa umano ang suspek sa biktima at sinabing, “wag nyo akong sigawan, hindi nyo ako kilala”.

Positibo din namang kinilala ng isa sa mga testigo ang suspek, na siyang namaril sa biktima.

Narekober din ng mga awtoridad ang motorsiklo na ginamit sa krimen.

Nakapiit na ang suspek at nakatakdang sampahan ng kasong murder sa piskalya.

TIMBOG

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with