^

Metro

Warden at mga tauhan ng BI jail, sinibak

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Sinibak sa kanilang puwesto ang warden at mga tauhang nakatalaga sa Bureau of Immigration (BI) warden facility sa Taguig City, kasunod sa pagkakatagpo ng anim na cellular phones na gamit ng mga bilanggong Hapones, isa rito pinaniniwalaang utak ng isang robbery syndicate na nag-o-operate pa rin sa Japan.

Kinumpirma ni BI spokesperson Dana Sandoval na may iba nang opis­yal at tauhan ang nakatalaga sa BI warden facility sa loob ng Camp Bagong Diwa.

Hindi naman binanggit ni Sandoval kung may kinalaman ang mga sinibak na tauhan sa pagkakatagpo ng mga cellphones at iba pang items ngunit ang balasahan ay dahil sa ‘command res­ponsibility’ ng mga namumuno sa bilangguan.

“The responsibility lies on the head of the warden facility… because [if it’s] massive, then definitely there is something going on so we replaced the head and all the people inside the facility,” saad ni Sandoval.

Kasama sa paghihigpit ngayon ng BI ay ang pagkakabit ng mas maraming CCTV cameras sa bilangguan habang pinag-aaralan pa umano ni BI Commissioner Norman Tansingco ang iba pang mga pagbabago na ipatutupad dito na siya ngayong prayoridad ng ahensya.

Inaasikaso na ngayon ng Department of Justice (DOJ) ang deportasyon ng mga Hapones na nakakulong sa warden facility makaraang hilingin na ng pamahalaan ng Japan.

Apat ang tinitignan ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na mapa-deport sa darating na linggo kabilang si alyas “Luffy” na lider ng sinasabing robbery syndicate at si alyas “Kim”.

Bukod sa pagnanakaw, sangkot din umano ang sindikato sa panggagantso at nakatangay na ng 6 bil­yong Yen o $46.6 milyon sa kanilang mga scam.

WARDEN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with