^

Metro

Grab, kinastigo ng LTFRB sa hearing sa surge fee

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Grab, kinastigo ng LTFRB sa hearing sa surge fee
Sa hearing, sinabi ni Atty Ariel Inton, founding President ng Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP) na dapat ay nagbitbit na ang Grab ng mga kailangang dokumento hinggil sa alegasyong naniningil ito ng surge fee sa mga pasahero na hindi aprubado ng LTFRB.
STAR / File

MANILA, Philippines — Kinastigo ng Land Transportation Franchi­sing and Regulatory Board ( LTFRB) ang My Taxi Philippines/ Grab dahil sa walang dalang kaukulang dokumento na nagpapatunay sa alegasyon  na sila  ay nagka-COVID kaya hindi nakarating sa nagdaang public hearing noong Disyembre.

Ang public hearing ay isinasagawa patungkol sa reklamong surge fee na sinisingil ng Grab sa kanilang mga commu­ters .

Hinanap din ng LTFRB board sa pangu­nguna ni LTFRB Chairman Teofilo Guadiz sa mga opisyal ng  Grab ang dokumento na nagpapaliwanag kung magkano at paano ang ginagawang pagsingil ng  surge fee sa kanilang mga commuters.

Sa hearing, sinabi ni Atty Ariel Inton, founding President ng Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP) na dapat ay nagbitbit na ang Grab ng mga kailangang dokumento hinggil sa alegasyong naniningil ito ng surge fee sa mga pasahero na hindi aprubado ng LTFRB.

Sinabi ni Chairman Guadiz na dapat maipaliwanag ng maayos ng Grab ang isyu sa surge  fee dahil marami ang nagrereklamo hinggil dito.

“Ipaliwanag nyo ng maayos ang surge fee na sinasabing nagkaroon ng overpricing” sabi ni Guadiz sa Grab.

Ayon kay Inton, kinumpirma ng Grab na sila ay nasingil ng P85 surge fee  pero dapat anya ay P45 pesos lamang ito.

Muling itinakda ng LTFRB board ang hea­ring bukas, araw ng Huwebes (January 12) upang makapaglabas na sila ng desisyon para dito.

Ayon sa Grab, isusumite nila ang lahat ng kailangan ng LTFRB tungkol dito.

 

vuukle comment

GRAB PHILIPPINES

LTFRB

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with