^

Metro

Presyo ng sibuyas P720/kilo ang bentahan

.Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Presyo ng sibuyas P720/kilo ang bentahan
Ayon pa sa ilang vendors dito posibleng sa mga susunod na araw ay tumaas pa umano ang presyo nito kung kaya maraming mamimimili ang humiling na sa pamahalaan na maaksiyunan ang sobrang taas ng presyo nito.
STAR/File

Sa ilang pamilihan sa Metro Manila

MANILA, Philippines — Nasa P720 sa kada kilo ang bentahan ng sibuyas sa ilang palengke sa Las Piñas City at Mandaluyong City .

Ayon pa sa ilang vendors dito posibleng sa mga susunod na araw ay tumaas pa umano ang presyo nito kung kaya maraming mamimimili ang humiling na sa pamahalaan na maaksiyunan ang sobrang taas ng presyo nito.

Umabot na umano ang ganitong presyo dahil ayon sa mga vendors kailangan nilang magbayad sa kanilang sup­plier ng P680 sa kada kilo nitong nakalipas na Miyerkules.

Sa isang pahayag ni Department of Agriculture   deputy spokesperson Rex Esoperez sa interview sa Super Radyo dzBB na nakarating sa kanila ang ulat sa mataas na presyo ng sibuyas kadalasan ay nasa P550 ang kada kilo na lubha umanong nakaka-shock.

Dahil dito nag-advise  pa nga ang DA sa mga consu­mers na huwag bumili ng kilu-kilo kundi ang ayon lang sa kanilang pangangailangan.

Ayon pa sa kanya ang SRP sa sibuyas ay nasa P170 lamang ang kada kilo, habang ang farmgate prices ay aabot sa P300/kg.

“To be reasonable on that and practical — pero mukhang maraming magagalit sa ‘kin — e ‘di ‘wag tayong bumili ng isang kilo, di ba? Kung ano lang ang makakaya nating bilhin, ayun muna,” dagdag pa ni Estoperez.

Nauna nang inihayag ng DA na hindi nila kinokonsi­dera ang pag-iimport ng sibuyas dahil sa inaasahang anihan sa darating na Enero at Pebrero kung saan dadami ang supply at ang kasunod nito ay pagbaba ng presyo.

Ayon kay Estoperez, na susuriin nila kung may pangangailangan na para mag-import kung hindi mag-normalize ang supply nito.

“Tignan natin this coming January and February na harvest season kung talagang ganu’n pa kanipis [ang supply]. Then let’s decide kung ano ang gagawin natin. Baka naman doon sa pag-produce natin, tanungin natin ang sarili natin, sapat ba talaga ang ating pino-produce o kailangan nating mag-angkat? Baka may problema rin tayo sa ating mga interventions sa pamahalaan kung bakit ganoon ang produksyon ng sibuyas,” pahayag pa nito.

DA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with