2 babaeng ‘tulak’, huli sa buy-bust
MANILA, Philippines — Timbog ang dalawang babaeng ‘tulak’ sa isinagawang buy-bust operation ng mga tauhan ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Taguig City Police sa nabanggit na lungsod, kamakalawa ng gabi.
Kinilala ang mga suspek na sina May-Ann Enon, 28 at Susan Cantape, 33. Naaresto ang mga ito sa Block 2, Lot 41 Damayan Area, Zone 3 Brgy. Central Signal, Taguig City.
Nakabili ng halagang P200 ang poseur-buyer na naging daan upang arestuhin ang mga suspek.
Nasamsam sa mga suspek ang 12.2 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P82,960.00.
Nakatakdang isalang sa inquest proceeding sa Taguig Prosecutor’s Office ang mga suspek sa paglabag sa section 5 at 11 (pushing at possession) ng Republic Act 9165 o Comprehensive dangerous Drugs Act of 2002.
- Latest