^

Metro

Daan-daang bangkay sa Eastern Funeral, ‘mass disaster’ - Fortun

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Daan-daang bangkay sa Eastern Funeral, ‘mass disaster’ - Fortun
Pangungunahan ni Fortun ang eksaminasyon sa mga bangkay para mabatid ang sanhi ng kamatayan nila at makagawa ng ulat para sa pamahalaan.
STAR / File

MANILA, Philippines — Tinawag ni forensic expert Dr. Raquel Fortun na isang ‘mass disaster’ ang pagkakatagpo sa daan-daang bangkay ng mga bilanggo sa Eastern Funeral Homes sa Muntinlupa City na isang malaking problema kung ano ang susunod na hakbang dito.

“The biggest challenge here is how do you manage [the] dead, and you can liken this to a mass disaster,” saad ni Fortun.
Nabulaga si Fortun sa dami ng bangkay na nakaimbak sa pune­rarya nitong nakaraang Sabado.  Ilan sa mga ito ay nakaimbak na umano sa morgue mula noong Disyembre 2021 pa.

Sa mahigit  170 mga bangkay, 120 sa mga ito ang “mummified” na o natuyo na ang katawan.  Nasa 50 bangkay naman lalo na ang mga kamamatay pa lang, ang maaari pang isailalim sa eksaminasyon.

“The internal examination of the mummified remains could be very, very difficult,” ayon pa kay Fortun. “A full autopsy, I believe, would still be possible, especially in the recent deaths. Some of them can still be examined,” dagdag niya.

Pangungunahan ni Fortun ang eksaminasyon sa mga bangkay para mabatid ang sanhi ng kamatayan nila at makagawa ng ulat para sa pamahalaan.

“The good news is each body comes with a death certificate, and they are identified and there seems to be a system,” paliwanag ni Fortun. Nilinaw naman niya na kailangan ng kumpletong ebidensya para masabi na may naganap na “foul play” sa mga inmates na ito ng New Bilibid Prison (NBP).

FUNERAL

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with