^

Metro

‘Gun-for-hire’, patay sa shootout

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
�Gun-for-hire�, patay sa shootout
Sa ulat na natanggap ni Quezon City Police District (QCPD) Director, PBGEN Nicolas Torre III mula kay Payatas Bagong Silangan Police Station Commander, P/LtCol Roldante Sarmiento, nakilala ang suspek na si John Philip Rodriguez, alyas Mata.
STAR/File

MANILA, Philippines — Isang lalaking umano’y miyembro ng‘gun- for-hire’ ang nasawi nang manlaban at makipagbarilan sa mga sumitang pulis sa Payatas, Quezon, kamakalawa.

Sa ulat na natanggap ni Quezon City Police District (QCPD) Director, PBGEN Nicolas Torre III mula kay Payatas Bagong Silangan Police Station Commander, P/LtCol Roldante Sarmiento, nakilala ang suspek na si John Philip Rodriguez, alyas Mata.

Nabatid na dakong alas-5:40 ng hapon nang maganap ang engkuwentro sa Sandakot, Brgy. Payatas, Quezon City.

Nauna rito, nagsasagawa umano ang mga tauhan ng PS 13 ng anti-Illegal gambling operation nang mapuna ang suspek na sakay ng isang motorsiklo.

Napuna rin umano ng mga pulis na may baril na nakasukbit sa beywang ng suspek kaya’t kaagad itong nilapitan at sinita.

Nagulat na lamang umano ang mga pulis nang biglang bumaba ng motorsiklo ang suspek at nagbunot ng baril, saka nagpaputok sa direksiyon ng mga awtoridad.

Dito na napilitan ang mga alagad ng batas na gumanti ng putok na nagresulta sa pagkamatay ng suspek.

Sa isinagawang pagsisiyasat, natuklasang si Rodriguez ay sinasabing isang gun for hire at kilala rin sa kanilang lugar dahil sa pagkakasangkot nito sa pagbebenta ng ilegal na droga.

Kung hindi umano makapagbayad ang mga may pagkakautang sa kanya ay kanya ring itinutumba. Nahaharap ito, sa mga kasong frustrated murder at murder sa piskalya.

Narekober ng mga mula sa crime scene ang isang kalibre .38 revolver na may serial no. 34044 at isang itim na Kawasaki Fury na may plate number na 6325 QB.

vuukle comment

GUN FOR HIRE

QCPD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with