^

Metro

Drug free barangay sa Quezon City tuluy-tuloy

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Tiniyak ni Quezon City Vice Mayor Gian Sotto na tuluy-tuloy ang  pagtaas ng bilang ng mga drug free barangay sa lungsod kasabay ng pagpapaigting ng kampanya kabilang ang prevention at clearing operations.

Sa panayam kay Sotto sa kanyang pagdalo sa 100 days before Christmas sa SM North Edsa kasama si Mayor Joy Belmonte, sinabi nito na layon nilang maging drug free city ang QC.

Aniya, nasa 80 barangay na ang drug free mula sa dating 70 dahil na rin sa kanilang mga programa alinsunod sa katusan ni Belmonte. May 142 barangay sa lungsod.

Giit pa ni Sotto, itinuro sa kanya ng kanyang ama na si dating Senador Tito Sotto ang 4 na sistema ng pagtugon sa drug problem na kinabibilangan ng  apprehension, prosecution, rehabilitation at prevention. Ang dating senador ang nagsimula ng QCADAC.

Nabatid na dumalo rin ang bise alkalde sa Community Based Drug Rehabilitation Program  na naglalayong magbigay ng kaalaman sa pagsugpo sa problema sa droga.

Dagdag pa ni bise alkalde na kailangan lamang ang koordinasyon ng barangay para maipatupad ng maayos ang drug  clearing at prevention program ng lungsod gayundin sa pamunuan ng Quezon City Police District sa pamumuno ni Gen. Nick Torre.

GIAN SOTTO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with