^

Metro

3 dawit sa ‘annulment scheme’, timbog ng NBI

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Arestado ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) ang tatlong suspek na sangkot sa ‘marriage annulment scheme’ na biktima ang mga indibiduwal na nais mapabilis ang pagpapalawang-bisa sa kanilang kasal, sa magkahiwalay na operasyon sa Pasay City at Cavite.
Nabatid na ang operasyon ay bunsod ng kahilingan mismo ni Supreme Court Chief Justice Alexander Gesmundo na magsagawa ng imbestigasyon ang NBI ukol sa nakara­ting sa kaniya na advertisement ng ‘annulment packages’ sa iba’t -ibang social media platforms.
Dito nagkasa ng operasyon ang NBI-Special Action Unit (NBI-SAU) hanggang sa matukoy ang mga suspek.

Unang nag-set-up ng entrapment operation sa isang mall sa Pasay City nitong Setyembre 8 kung saan nadakip ang suspek na si Carl Reyes, alyas Gladdies Rodriguez Reyes, makaraang tanggapin niya ang marked mo­ney sa isang operatiba.
Nag-aalok ang suspek na mabura ang kaniyang rekord ng kasal sa database ng Philippine Statistical Authority (PSA) sa loob ng apat na buwan, kapalit ng halagang P180,000.  Nanghihingi siya ng downpayment na 75% ng halaga para maumpisahan ang proseso.
Sunod na nadakip ang mag-live-in partner na sina Marco Norega at Rona Castillo sa Bacoor, Cavite.

Nag-alok ang mga suspek sa poseur-client ng serbisyo na makapagpalabas ng ‘annulment documents’ sa loob ng lima hanggang walong buwan sa halagang P70,000 kung isa lang ang nais maging ‘single’ at P250,000 kung nais ng mag-asawa na maging single muli ang status nilang pareho.
Nagpakita pa ang mga suspek ng dokumento ng ‘nullity of marriage’ mula sa isang umano’y huwes sa Manila Regio­nal Trial Court. Inaresto ang dalawa makaraang tumanggap ng marked money buhat sa inakala nilang kliyente nang mang­hingi na sila ng downpayment na P40,000.00.
Nahaharap ngayon ang mga suspek sa mga kasong Estafa, Cybercrime Prevention act of 2012, at Anti-Red Tape Act of 2007, at Falsification of Documents.

vuukle comment

ANNULMENT

NBI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with