^

Metro

P6.2 milyong marijuana nasabat sa ‘tulak’ sa Caloocan

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon
P6.2 milyong marijuana nasabat sa �tulak� sa Caloocan
Kinilala  ang suspek na si Jenny Roy Dayrit, 24 at residente ng  F2 Hermosa Street, Tondo, Manila.
STAR/File

MANILA, Philippines — Aabot sa P6.2 mil­yong halaga ng marijuana ang nasamsam ng mga awtoridad sa isang ‘tulak’ sa ikinasang buy-bust operation sa Caloocan City, kahapon ng umaga.

Kinilala  ang suspek na si Jenny Roy Dayrit, 24 at residente ng  F2 Hermosa Street, Tondo, Manila.

Ayon sa pulisya, dakong alas-6:05 ng umaga nang magsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni PLT Gilmer Marinas, kasama ang 6th MFC RMFB-NCRPO sa second floor, unit 2-G building 361, Barangay 18, Caloocan City.

Isang undercover police ang nagawang makipagtransaksyon sa suspek ng P9,000 halaga ng marijuana.

Nang tanggapin ng suspek ang marked money mula sa police poseur buyer ay dito na dinamba ng mga pulis.

Maliban sa isang brick ng marijuana na nabili ng mga operatiba, narekober pa sa suspek ang isang  bag na nagla­laman pa ng 51 pirasong bricks transparent plastic wrapped na naglalaman ng hinihinalang pinatu­yong dahon ng marijuana.

Kasong paglabag sa Sec. 5 (Selling of Dangerous Drugs) at Sec. 11 (Possesion of Dange­rous Drugs),  Art. II of RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) ang isinampa ng pulisya kontra sa suspek sa Caloocan City Pro­secutor’s Office.

vuukle comment

SDEU

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with