^

Metro

‘Oplan Greyhound’ ikinasa sa Manila City Jail

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
‘Oplan Greyhound’ ikinasa sa Manila City Jail
Pinangunahan ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) ang isinagawang ‘Greyhound Operation’ sa loob ng Manila City Jail kung saan nasabat ang ilang kontrabando.
Miguel De Guzman

MANILA, Philippines — Ikinasa ang itinu­ring na pinakamalaking ‘Oplan Greyhound’ sa Manila City Jail (MCJ), sa Sta. Cruz, Maynila, kahapon ng umaga.

Kasama ng Bureau of Jail Management (BJMP) sa isinagawang inspeksyon ang kanilang mga recruits, mga tauhan ng Philippine National Police (PNP), at Bureau of Fire Protection (BFP).

Una munang tinipon ang mahigit 5,700 kabuuang bilang ng mga preson sa MCJ quadrangle bago inumpishan ang pagpasok sa mga selda para maghanap ng anumang kontrabando tulad ng iligal na droga at deadly weapons.

Layunin ng nasabing inspeksyon sa mga pasilidad ang kaligtasan para sa mga PDLs, laban sa mga plano o posibleng paggamit ng iligal na droga at nakamamatay na sandata.

Nabatid na bukod sa ‘Oplan Greyhound’, regular ang pagsasagawa ng random at surprise inspection sa nasabing piitan.

Kabilang sa nakum­piska ang mga improvised na armas, kabilang ang mga kutsara at tinidor na binalutan ng goma, toothbrush na pinatulis, bubog o basag na bote, ice pick at mga gamit sa pagsusugal.

Ang MCJ ay nasa ila­lim ng pamumuno ni Warden Mirasol Vitor.

MCJ

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with