^

Metro

6 ‘tulak’ binitbit sa drug ops sa Malabon, Navotas

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Anim na ‘tulak’ kabilang ang dalawang babae ang kalaboso matapos maaresto sa magkahiwalay na buy- bust operation sa Malabon at Navotas City.

Ayon kay Malabon Police chief Col. Albert Barot, dakong alas-2 ng madaling araw nang magsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforecment Unit (SDEU) sa ilalim ng pangangasiwa ni PLt. Alexander Dela Cruz ng buy-bust operation sa Halaan St. cor Hito St. Brgy. Longos na nagresulta sa pagkakaaresto kay Maribel Villa, 46, at Garry Camposani, 29, pintor kapwa ng Caloocan City.

Ayon kay PMSg Randy Billedo, nakum­piska sa mga suspek ang humigi’t kumulang 1.5 gramo ng hinihinalang shabu na nasa P10,200 ang halaga at P500 buy- bust money.

Sa Navotas, dakong alas-10 ng gabi nang matimbog din ng mga operatiba ng SDEU ng Navotas police sa buy- bust operation sa Bagong Silang St., Brgy., San Jose sina Lea Rodriguez, 45, fish vendor at Roniel Olivar, 22, fisherman.

Nakumpiska sa mga suspek ang nasa 10 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price P68,000, P500 marked money at P300 recovered money.

Nalambat din ng kabilang team ng SDEU ng Navotas police sa buy- bust operation sa M Jose St., Brgy., Tangos North si Efipanio Adriano, 53, at Edralin Refuerzo, 40, mangingisda. Nakuha sa kanila ang nasa 5.5 gramo ng hinihinalang shabu na may standard drug price P37,400, P300 buy-bust money at P300 recovered money.

Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.

ALBERT BAROT

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with