^

Metro

Social media influencer, 4 na Tiktokers kinasuhan

Joy Cantos, Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Social media influencer, 4 na Tiktokers kinasuhan
Nauna rito, natukoy na ng PNP-Anti-Cybercrime Group (ACG) ang lima na sinampahan na ng reklamo ng pulisya at ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).
STAR / File

Sa ‘pagbalahura’ sa pera

MANILA, Philippines — Isang social media ­influencer at apat na Tiktokers ang ipinagharap na ng reklamo sa Quezon City Prosecutor’s Office makaraang mag-post ng videos online sa ‘pagbalahura’ o pagsira sa pera ng Pinas.

Ipinapakita sa mga ebidensyang video ang sadyang pagsira, pagpilas, pag-stapled at ginamit pang pamunas sa sapatos ang ibat-ibang peso bills.

Bukod nga sa nauna nang social media influen­cer na pinunit ang isang P20 bill sa kanyang video post, kasama rin sa ini­rereklamo ang isang magician na nilagyan ng butas ang isang P1000 bill ng kanyang ballpen, isa pang tiktoker na lalaki na ginamit ang isang 50-peso bill bilang funnel sa pagsasalin ng langis sa kanyang  motorsiklo, ang isa na inistapled ang P100 sa plastic basketball rim at ang isa namang na ginawang pamunas ng kanyang sapatos ang dalawang 500 peso bills bago nito itinapon sa lupa.

Nauna rito, natukoy na ng PNP-Anti-Cybercrime Group (ACG) ang lima na sinampahan na ng reklamo ng pulisya at ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).

Ayon kay ACG director Brig. Gen. Joel Doria isa dito ay ang Syrian national na si Samer Ousta na nagmamay-ari ng account na @ForeignGerms na siyang pumunit sa P20 bill.

Ang apat na iba pa ay pawang Pinoy na kinilala ng PNP-ACG na sina   Arnold Rogero na kilala bilang “Cholo TV,” Carl Romulo Quion or @carlquion, Ri­chard Eramel, na si @ekongyahoo.com, at Joel Mallanao, na mas kilala bilang si @qyuarfheerzzchyam.

Ayon sa BSP  na ang ganitong sadyang pagwasak o pagsira sa Philippine banknotes at maging sa coin ay may katapat na multa na hindi lalagpas sa P20,000 at/o pagkakulong na hindi hihigit sa limang taon.

vuukle comment

TIKTOKERS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with