^

Metro

P10 milyong shabu, nasabat sa buy-bust sa Caloocan

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon
P10 milyong shabu, nasabat sa buy-bust sa Caloocan
Umiskor ang mga operatiba ng QCPD-District Drug Enforcement Unit (DDEU) matapos makakumpiska ng 25 piraso ng green tea bag na naglalaman ng higit P173 milyong halaga ng shabu mula sa suspek sa isang buy-bust operation sa Roosevelt Ave., Brgy. San Antonio, Quezon City.
Michael Varcas

MANILA, Philippines — Umaabot sa P10 mil­yon ang halaga ng shabu na nasabat sa isang ‘tulak’ sa isinagawang buy-bust operation ng pulisya sa Caloocan City, kahapon ng umaga.

Kinilala ni Caloocan Police Chief, Col. Samuel Mina Jr, ang naarestong suspek na si Mark Anthony Ferrer, 38, may-asawa, ng No. 75 Simoun Street, Sta. Mesa Heights, Banawe, Quezon City.

Sa repot ni Mina kay Northern Police District (NPD) acting Director P/Col. Ponce Rogelio Peñones Jr, dakong alas-5 ng umaga nang magsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pa­ngunguna ni PLT Gilmer Mariñas, kasama ang 6th MFC RMFB-NCRPO ng buy-bust operation sa Block 15 Lot 33, Santan St., Almar Subdivision, Barangay 177 kung saan isang undercover police ang nagawang maki­pagtransaksyon sa suspek ng P150,000 halaga ng droga.

Nang tanggapin ng suspek ang buy-bust money mula sa police poseur buyer kapalit ng isang knot tied transpa­rent plastic na naglalaman ng nasa 100 gramo ng hinihinalang shabu, agad itong inaresto.

Nakumpiska sa suspek ang humigi’t kumulang 1,600 gramo ng hinihinalang shabu na may standard drug price P10,880,000, buy-bust money na isang tunay na P1,000 bill at P149 pirasong P1,000 boodle money at itim na hand bag.

Sasampahan ng pulisya ng kasong paglabag sa Sec. 5 (Selling of Dangerous Drugs) at Sec. 11 (Possesion of Dangerous Drugs), Art. II of RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) ang suspek sa Caloocan City Prosecutor’s Office.

SDEU

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with