^

Metro

Motorsiklo salpok sa trak: 2 todas

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Motorsiklo salpok sa trak: 2 todas
Nakilala ang mga nasawi na sina Jake dela Cruz, ng  Brgy. Pineda, Pasig City at si Brix Urot, ng Sitio Udioncan, Macabud, Montalban, Rizal.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Isang motorcycle rider at kaniyang angkas ang patay makaraang sumalpok sa tagi­liran ng isang umaandar din na trailer truck sa Ermita, Maynila kahapon ng madaling araw.

Nakilala ang mga nasawi na sina Jake dela Cruz, ng  Brgy. Pineda, Pasig City at si Brix Urot, ng Sitio Udioncan, Macabud, Montalban, Rizal.

Nasa kustodiya ngayon ng Manila District Traffic Enforcement Unit ang suspek na si Randy Layda, drayber ng trak.

Sa inisyal na ulat ng MPD-MDTEU, naganap ang insidente dakong alas-3:15 ng madaling araw sa kanto ng United Nations Avenue at San Marcelino Street sa Ermita.

Nabatid na dumaraan ang motorsiklo na minamaneho ni dela Cruz sa westbound lane ng UN Avenue nang pagsapit ng panulukan ng San Marcelino Street ay sumalpok ito sa tagiliran ng trak  na minamaneho ni Layda.

Dahil dito, tumilapon sa kalsada ang dalawang sakay ng motorsiklo na nag­resulta ng kanilang agad na pagkasawi.  
Dinala na ang kanilang mga labi sa Cruz Funeral habang nakatakdang sampahan ng kasong double homicide through Reckless Imprudence si Layda.

ERMITA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with