^

Metro

Bangkay ng 2 binatilyo, lumutang sa ilog Pasig

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Bangkay ng 2 binatilyo, lumutang sa ilog Pasig
Nakilala ang mga nasawi na sina Rey Napoles, isang grade 6 student at Ivan Christian Borja, 15, kapwa ng Lanzones St., Kahilum ll, Pandacan.
STAR/File

MANILA, Philippines — Kapwa wala nang buhay nang marekober ang bangkay ng dalawang totoy nang lumutang sa ilog Pasig sa may Sta. Ana, Maynila kahapon ng umaga.

Nakilala ang mga nasawi na sina Rey Napoles, isang grade 6 student at Ivan Christian Borja, 15, kapwa ng Lanzones St., Kahilum ll, Pandacan.

Sa ulat ng Manila Police District- Homicide Section, bandang alas-4:55 ng hapon kamakalawa, nang unang lumutang ang bangkay ng biktima sa ilog Pasig sa likod mismo ng tanggapan ng MPD- Station 6.

Sa imbestigasyon, bago ito ay nakita sa lugar ang magkaibigan na nag­lalaro sa may ilog kung saan sinaway pa sila ng ama ni Napoles. Sumunod naman ang dalawa pero nagsibalik umano hanggang sa parehong madulas at tangayin ng agos.

Nagsagawa ng rescue operations ang mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) hanggang sa marekober ang mga katawan ng mga bata na wala nang buhay.

vuukle comment

ILOG PASIG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with