^

Metro

Alcohol tank sumabog: 5 sugatan

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Limang katao ang iniulat na nasugatan matapos na sumabog ang isang alcohol tank na nagresulta rin sa pagsiklab ng isang sunog sa Brgy. Batasan Hills, Quezon City kahapon ng hapon.

Ang mga nasugatang ay kinilalang sina Kevin Roy Lamson, King Boras, Kevin Ruilecol, Mark Andrew Namires, at Catherine Tumandao, ay pawang nagtamo ng paso sa iba’t ibang bahagi ng katawan at naisugod na sa East Avenue Medical Center upang malapatan ng kaukulang lunas.

Batay sa ulat ng Quezon City Bureau of Fire Protection (BFP), nabatid na dakong ala-1:21 ng hapon nang maganap ang alcohol tank explosion sa 31 Baker St., Filinvest 2, Brgy. Batasan Hills, Quezon City.

Ang naturang establisimyento ay pagma-may-ari umano ng isang Nila Balondo at inuokupa naman ng Civil Society Organization na Kapatiran Community Network.

Inaalam pa ng mga awtoridad ang sanhi nang pagsabog, na nauwi sa isang structural fire at nadamay pa ang dalawang sasakyan.

Kaagad namang naapula ang apoy pagsapit ng ala-1:36 ng hapon dahil sa maagap na pagresponde ng mga pamatay-sunog.

Sa pagtaya ng mga awtoridad, aabot sa P525,000 ang mga ari-ariang napinsala dahil sa insidente.

vuukle comment

TANK

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with