^

Metro

Higit 30K pulis lalahok sa 3 araw na local absentee voting

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Tatlong araw isasagawa ng Philippine National Police (PNP) ang Local Absentee Voting para sa national at local election na lalahukan ng mahigit 30,000 pulis.

Ayon kay PNP Public Information Office (PIO) chief Brig. Gen. Rhode­rick Alba, isasagawa ang LAV sa Abril 27,28, at 29 kung saan  26,813 mga pulis na nakadestino sa Police Regional Offices (PRO’s) ang lalahok sa botohan habang 3,248 na pulis naman na naka-assign sa National Headquarters sa Camp Crame.

Sa Police Provincial Office  ang  magtatalaga ng  lugar sa mga  PROs habagn Multi-Purpose Center, Camp Crame ­Quezon City ang mga pulis na nakabase sa  Camp Crame.

Nabatid  na manual ang magiging paraan ng kanilang pagboto kung saan isusulat ng mga pulis  ang napiling kandidato sa official ballot.

Sa ilalim ng LAV, ang mga pulis na botante ay pinapayagang bumoto kahit hindi sila rehistradong botante dito dahil hindi sila makakaboto sa mismong araw ng eleksyon kung saan kinakailangan nilang mag-duty sa araw na ito.

Maari silang bumoto kahit anumang araw sa Abril 27,28, at 29, mula alas-8:00 ng umaga hanggang alas-5:00 ng hapon.

ABSENTEE VOTING

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with