^

Metro

3 huli sa drug-ops sa Makati

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Tatlong indibiduwal ang swak sa piitan matapos makumpiskahan ng kabuuang ?94,520.00 halaga ng shabu ng mga tauhan ng Station Drug Enforcement Unit ng Makati City Police, sa magkahiwalay na operasyon, sa Makati City, kamakalawa.

Kinilala ni Southern Police District (SPD) director, P/Brig. Ge­neral Jimili Macaraeg ang mga suspek na sina  Michael Neri, alyas Yuli, 21; Mark Arjen Orbon; at Russell Palermo, alyas Bakly, 23.

Sa ulat, unang nadakip sina Neri at Orbon dakong alas-5:40 ng hapon ng Marso 8, 2022   sa J.P. Rizal Ave. corner B. Serrano St., Brgy. West Rembo, nang makabili ng shabu ang mga operatiba sa ikinasang buy-bust ­operation na nagresulta sa pagkasamsam ng 11.10 gramo ng shabu na may Standard Drug Price (SDP) na  ?75,480.00.

Habang si Palermo naman ay naaresto dakong 8:45 ng gabi sa Kalayaan Ave., Barangay West Rembo , sa hiwalay na buy-bust ­operation, na nasamsaman ng 3.8 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng ?19,040.00.

Nahaharap na sa kasong paglabag sa Republic Act 1965 o Comprehensive dangerous Drugs Act of 2002 ang mga suspek.

MICHAEL NERI

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with