^

Metro

Obrero itinumba sa loob ng bahay

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Obrero itinumba sa loob ng bahay
Nakilala ang nasawi na si Ron Dionisio. Nadiskubre ng kaniyang kaibigan na si Rex Dionisio, 42, construction worker ang labi ng biktima sa ikatlong palapag ng inuupahan niyang bahay sa Galicia St. Brgy. Bangkulasi dakong alas-7 ng umaga sa lungsod.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Patay ang isang 38-anyos na obrero  makaraang pagbabarilin sa ulo ng hindi pa nakilalang mga armadong salarin na pumasok sa loob ng inuupahan nitong bahay sa Navotas City kamakalawa.

Nakilala ang nasawi na si Ron Dionisio. Nadiskubre ng kaniyang kaibigan na si Rex Dionisio, 42, construction worker ang labi ng biktima sa ikatlong palapag ng inuupahan niyang bahay sa Galicia St. Brgy. Bangkulasi dakong alas-7 ng umaga sa lungsod.

Sa report na tinanggap ni  Navotas City Police Chief P/Col. Dexter Ollaging, unang nakatanggap si Rex, residente nng impormasyon na dinukot umano ng limang hindi kilalang kalalakihan ang biktima.

Kaagad nagtungo ang saksi sa bahay ng kanyang kaibigan subalit, wala naman itong nakitang kakaiba sa lugar kaya’t tumuloy siya sa ikatlong palapag ng bahay at laking gulat niya nang makita ang biktima na naliligo sa sariling dugo.

Humingi ng tulong ang saksi sa mga opisyal ng Barangay Bangkulasi na sila namang nagreport ng insidente sa pulisya.

Nakikipag-ugnayan na ang pulisya sa mga opisyal ng Brgy. Bangkulasi at mga may-ari ng mga kalapit na establisimento na mayroon access sa footage ng close circuit television (CCTV) camera na naka-install sa lugar na maaring nakunan ang mga suspect habang naglalakad o umaalis sa lugar.

Blangko pa ang pulisya sa motibo sa krimen habang nagsasagawa pa ng masusing imbestigasyon.

vuukle comment

REX

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with