^

Metro

Natulog sa kalsada, patay sa sagasa

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Agad na nasawi ang isang hindi pa nakikilalang lalaki na natulog sa kalsada sa may Delpan Bridge sa Binondo, Maynila nang masagasaan ng isang kot­se, kahapon ng madaling araw.

Patuloy na inaalam ng pulisya ang pagkakakilanlan sa nasawi na tinata­yang nasa pagitan ng edad 50 hanggang 60 taong gulang, at nakasuot ng itim na jacket.

Inaresto naman ng mga tauhan ng Manila District Traffic Enforcement Unit (MDTEU) ang tsuper ng nakasagasa na si Michael John Malicdem, 30, isang helper mechanic, at nakatira sa Sales St., Brgy. 307 Quiapo.

Sa ulat, binabagtas ni Malicdem ang soutward lane ng kalsada at pababa na ng Delpan Bridge nang hindi mapansin ang biktima na nakahiga sa kalsada.

Dito nasagasaan at nakaladkad ng kotse ang biktima ng may 20 metro na nagresulta sa kaniyang agad na pagkasawi.

Inaalam ngayon ng pulisya kung palaboy ang nasawi o kaya naman ay isang lasing na inabutan ng antok sa kalsada.

Dinala na ang labi niya sa Funeraria Cruz para sa safekeeping.

DELPAN BRIDGE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with