^

Metro

Chinese huli sa ipinadeliber na shabu

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Chinese huli sa ipinadeliber na shabu
Dakong alas-2:59 ng hapon noong nang arestuhin si Li, habang ang sender naman ay nabi­gong madakip sa ikinasang entrapment operation.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Arestado ang isang Chinese national nang tanggapin nito ang deli­very package na naglalaman ng ilegal na droga sa Taguig City.

Sa ulat ng Taguig Substation 1, nakilala ang suspek na si Xingchao Li, 29, at residente ng McKinley, Taguig City, na siyang recipient ng isang package na may lamang shabu.

Dakong alas-2:59 ng hapon noong nang arestuhin si Li, habang ang sender naman ay nabi­gong madakip sa ikinasang entrapment operation.

Natukoy lamang ang ilegal na droga nang maghinala ang delivery rider ng Lalamove sa package na nahirapan siyang maibigay sa recipient dahil sa pagpalipat-lipat ng drop-off location.

Una umanong kinuha ng rider ang parcel sa Bac­laran area, na nagduda siya nang ayaw pakuha­nan ng litrato ng sender na isa ring Chinese national na may pangalang Xiaofei. Sa halip ay binigyan siya ng P100  upang hindi na niya litratuhan.

Nang marating ng rider ang McKinley West area ay hindi naman matagpuan ang tatanggap kaya’t nagduda na may misteryo ang ipinadadala sa kanya kaya’t ininspeksyon ang laman ng package at natuklasang may isangplastic sachet ng hinihinalang shabu kaya ipinaalam sa pulisya.

Nakipag-ugnayan din sa Taguig Drug Enforcement Unit ang rider para maaresto ang sender su­balit bigo na maaresto.

LI

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with