^

Metro

Lalaking ipina-barangay, natagpuang patay

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Patay na nang matagpuang lumulutang sa isang estero sa Tondo, Maynila ang isang lalaki na unang ipinabarangay ng kaniyang kinakasama, kamakalawa ng gabi.

Nakilala ang nasawi na si Joel Martinez, 34, ng Inocencio Street, Brgy. 93, Tondo.

Sa ulat ng MPD-Raxabago Police Station 1, dakong alas-7:30 ng Miyerkules ng gabi nang matagpuan ang bangkay ni Martinez na lumulutang sa Estero De Vitas sa C2 Capulong Road, Brgy. 93, Tondo.

Nabatid na unang ipinabarangay ng kaniyang kinakasama si Martinez noong Nobyembre 21 dahil sa pananakit sa kanyang kinakasama.  Hindi na nabanggit kung nagkaayos ang magkarelasyon bago natagpuan ang bangkay ni Martinez.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa sanhi ng pagkamatay ng biktima kung saan inaalam kung may naganap na foul play.  Nakatakdang isailalim ang bangkay nito sa awtopsiya.

JOEL MARTINEZ

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with