^

Metro

Obrero ginilitan ng mga kasamahan

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Patay ang isang construction worker nang gilitan at pagtatagain pa ng kanyang dalawang kasamahan sa trabaho na una niyang sinaksak matapos na mauwi sa mainitang pagtatalo ang kanilang masayang pag-iinuman sa loob ng kanilang pinagtatrabahuhang construction site sa Brgy. Tagumpay, Quezon City kamakalawa ng gabi.

Dead-on-the-spot si Lester Ayala Tibar, 35, residente ng Block 18, Lot 24, Bagong Silang, Caloocan City.

Samantala, sugatan din naman at kapwa ginagamot na ngayon sa Quirino Memorial Medical Center sina Jonard Ibanez, 23, at Melfred Otilla, 32.

Batay sa ulat ng Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU) ng Quezon City Police District (QCPD), lumilitaw na dakong alas-9:30 ng gabi nang maganap ang krimen sa cons­truction site ng Living Springs Condo, na matatagpuan sa  21st Avenue, Brgy. Tagumpay, QC kung saan nagtatrabaho ang mga obrerong sangkot sa insidente.

Nauna rito, nagkayayaan umanong mag-inuman ang mga magkakasamahan, kasama ang testigong si Giovanni Arnejo, sa loob ng construction site. Nang malasing ang mga ito, ay dito na umano nagkaroon ng mainitang pagtatalo sina Otilla at Tibar hanggang sa saksakin ng kutsilyo ni Tibar si Otilla.

Gumanti naman umano ng saksak si Otilla gamit naman ang tari ng panabong na manok. Samantala, tinangka umanong umawat ni Ibanez ngunit maging siya ay sinaksak din ni Tibar bago tumakbo palabas ng construction site.

Bagama’t mga sugatan hinabol nina Otilla at Ibanez ang tumatakas na si Tibar at nang makorner ay doon na ito ginilitan at pinagtataga.

CIDU

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with