Privilege speech ng Konsehal sa Caloocan, sinasabotahe
MANILA, Philippines — Nagpahayag ng pagka-dismaya ang isang konsehal ng Caloocan City hinggil sa umano’y tila pananabotahe sa kanyang privilege speech ng ilang mga kasama sa konseho.
Ayon kay Caloocan City Councilor Alexander Ma-ngasar, hindi tama na tila nagpapa-check lamang ng attendance ang mga konsehal at unti-unting umaalis sa kalagitnaan ng session.
Sinabi ni Mangasar na pangatlong pagkakataon na noong Miyerkules, Agosto 25 , ng nawalan ng quorum sa virtual session kung saan magbibigay na siya ng kanyang privilege speech.
Aniya, Agosto 11, Agosto 18 at Agosto 25 niya nais ita-lakay at hingan ng linaw sa konseho ang kanyang privilege speech subalit hindi nabibig- yan ng pagkakataon dahil sa kawalan ng quorum. Isa na rito ang madalas na pagsuspinde sa mga bara-ngay chairman.
Apela ni Mangasar sa kanyang mga kasamahan sa konseho pagtuunan ng pansin ang kanilang tungkulin sa city council at huwag “itake for granted” ang kanilang posisyon. Kaila-ngan na munang ibigay ang serbisyong kailangan ng Caloocan.
Sinabi naman ni Vice Ma-yor Maca Asistio, bilang presiding officer, pinaaalalahan niya ang mga konsehal na madalas na nawawala habang nagsession kaya naman hinihinto ang pagta-lakay, pag-apruba at botohan sa usapin o ordinansa kung walang quorum.
- Latest