^

Metro

Pamamahagi ng ECQ ayuda sa Quezon City, organisado at maayos

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Pamamahagi ng ECQ ayuda sa Quezon City, organisado at maayos
Ipinost sa bawat barangay ang pangalan ng mga benepisyaryo at may nakatalagang lugar na pagkukunan ng cash aid kaya naging maayos at hindi sabay-sabay na dumagsa ang mga kukuha nito. Pupunta lamang ang benepisyaryo sa itinakdang schedule .
Edd Gumban

MANILA, Philippines — Naging organisado ang pagsisimula kahapon nang  pamamahagi ng ayuda ng Quezon City government sa mga apektadong pamilya sa ilalim ng pinaiiral na enhanced community quarantine (ECQ)  sa Metro Manila.

Ipinost sa bawat barangay ang  pangalan ng mga benepisyaryo  at may nakatalagang lugar  na pagkukunan ng cash aid kaya naging maayos at hindi sabay-sabay na dumagsa ang mga kukuha nito. Pupunta lamang ang benepisyaryo sa itinakdang  schedule .

Para sa maayos na pro­seso ng claims, bawat payout site ay pinangangasiwaan ng  validator mula sa  barangay  para sa pagsuri sa dokumento, verifier  mula sa  Social Services and Development Department (SSDD) para sa  cross-checking ng pangalan sa  masterlist at isang  paymaster  para sa  release  ng ayuda.

Ayon kay Jornel Galarse ng Treasury Department ng QC hall na  nangunguna sa pamimigay ng cash aid,  halos walang natanggap na anumang mga reklamo sa sistema ng pamamahagi ng ayuda  .

Nasunod din   ang ipinaiiral na protocol sa bawat pay out center kung saan naging maa­yos at mabilis na pamamahagi ng cash aid.

“Mangyari lamang na tumingin sa official social media page ng city government at ng inyong barangay para sa listahan ng mga pangalan. Dito rin matatagpuan ang impormasyon tungkol sa oras at venue ng pagbibigay ng ayuda at pati na rin ang mga requirements na kailangan dalhin para ma-claim ito”,  paalala naman ni QC Mayor Joy  Belmonte .

Anya ang  barangay  ang nagdedesisyon kung stubs ba ang gagamitin, color coding, per street, alphabetical name or per purok ang mode of distribution para masigurong maayos ang pagbibigay ng ayuda at mananatili ang minimum health standards”, dagdag pa ng alkalde..

SSDD

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with