Mag-ina pinagsasaksak sa Malabon, kritikal

MANILA, Philippines — Kapwa nasa kritikal na kondisyon ang mag-ina makaraang pagsasaksakin ng live-in partner ng ginang matapos ang mainitang pagtatalo sa Malabon City, Biyernes ng gabi.
Kinilala ang mga biktima na sina Imelda Carta, 52, ng Samapil Sitio 6, Brgy. Catmon at anak nitong si Erwin, 17. Kapwa inoobserbahan sa Tondo Medical Center sanhi ng tinamong mga saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang mag-ina.
Ayon kay Malabon Police Chief P/ Col. Albert Barot, nadakip naman ng rumespondeng mga tauhan ng Sub-Station 4 at mga brgy. tanod ang suspect na kinilalang si Cesar Catudio, 56, at narekober mula dito ang ginamit na patalim sa pananaksak.
Dakong alas-7:30 ng gabi nang maganap ang insidente sa loob ng bahay ng mga biktima matapos kumprontahin ng lasing na suspect si Erwin at sinabihan na “papasok ka lang dito pagkakain ka”.
Sinuntok ng suspect sa ulo ang binatilyo na naging dahilan upang mauwi ang mga ito sa suntukan hanggang sa kumuha ng patalim si Catudio saka sinaksak sa dibdib at kaliwang balikat ang biktima.
Tinangka namang umawat ni Imelda subali’t sinaksak din ito ng suspect bago tumakas pero kalaunan ay nadakip din.
- Latest






















