Pasay City namahagi na rin ng food packs
MANILA, Philippines — Nagsimula nang mamahagi ng food packs at iba pang tulong si Pasay Mayor Emi Calixto-Rubiano ngayong Linggo (Agosto 8) sa mga residente sa lungsod.
Sinabi ni Mayor Emi na ito’y upang magkaroon na nang maagang tulong ang mga residente na maapektuhan sa dalawang linggong lockdown na ipinatupad ng gobyerno para mapigilan ang pagkalat ng mas mabagsik na Delta variant ng COVID-19.
“Hindi pa po nag-i-ECQ ay hiniling ko na sa ating city council at maging sa tanggapan ni Cong. Toby Calixto na maglaan na nang pondo para sa mga tulong na ating ibibigay sa ating mga mamamayan sakaling magkaroon nga ng lockdown dahil sa Delta variant,”dagdag pa ng alkalde
“Ihahatid po mismo natin sa mga bahay-bahay ang ating tulong upang hindi na mahirapan pang pumila ang ating mga kababayan para kunin ang
kanilang mga food packs,” ani Mayor Emi.
Sakali pa aniyang, matanggap na nila ang P356 milyong pondo mula sa national government ay agad nilang ipamamahagi ang cash aid na P1,000-P4,000 sa bawat indibiduwal o pamilya na kabilang sa mahihirap na apektado ng ECQ sa lungsod.
- Latest

















