^

Metro

Pasig City, nagsimula na ring magturok ng J&J COVID-19 vaccines sa mga seniors

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Pasig City, nagsimula na ring magturok ng J&J COVID-19 vaccines sa mga seniors
Mga senior citizen ang karamiham sa unang nakatanggap ng naturang bakuna sa isang ceremonial vaccination na idinaos sa Pasig Sports Complex, at sinaksihan mismo ni Mayor Vico Sotto, National Task Force Against Covid-19 Deputy Chief Implementer, Secretary Vince Dizon, Palace spokesperson Harry Roque at mga opisyal ng Department of Health (DOH).
Jon Cherry / GETTY IMAGES NORTH AMERICA / Getty Images via AFP

MANILA, Philippines — Sinimulan na rin ng Pasig City ang pagtuturok ng single dose ng Janssen vaccines, na gawa ng US pharmaceutical firm na Johnson & Johnson nitong Huwebes.

Mga senior citizen ang karamiham sa unang nakatanggap ng naturang bakuna sa isang ceremonial vaccination na idinaos sa Pasig Sports Complex, at sinaksihan mismo ni Mayor Vico Sotto, National Task Force Against Covid-19 Deputy Chief Implementer, Secretary Vince Dizon,  Palace spokesperson Harry Roque at mga opisyal ng Department of Health (DOH).

Kaugnay nito, laking pasalamat naman ni Sotto sa national government dahil sa pagkakaloob ng bakuna para sa mga residente partikular na sa mga senior citizen.

“Kapag sinabi natin na 44,703 ang actual na eligible senior citizens natin sa Pasig ito po ay naabot na po natin ng 100 percent para sa 1st dose. The most effective way to convince our senior citizens and even the general population we have seen it’s really through word of mouth. Kapag nakita ng isang senior citizen na yung kapatid niya ay nabakunahan at malusog naman siya, safe naman siya mas nae-encourage siya na magpabakuna rin,” ayon pa kay Sotto sa kanyang opening message sa naturang aktibidad.

“Sana lahat ng bakuna ganun so kung mabigyan po kami ng Johnson & Johnson pa we will make sure to use it. Basta may pagkakataon na magpabakuna gawin natin at yung mga nag- aantay naman po, konting pasensya lang. We will do it as fast as we can based on the number of supplies that we have,” aniya pa.

Sinabi pa ni Sotto na may 300,000 residente na ang nakatanggap ng first dose ng COVID-19 vaccine habang mahigit 100,000 sa mga ito ang nakatanggap na rin ng second dose o fully- vaccinated na.

JOHNSON & JOHNSON

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with