^

Metro

Parak na bumaril sa ginang, pinasisibak na ng PNP-IAS

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon
Parak na bumaril sa ginang, pinasisibak na ng PNP-IAS
Ito ang naging rekomendasyon ni PNP-Internal Affairs Service chief Triambulo kay PNP chief, Gen. Guil­lermo ­Eleazar matapos ang kanilang ginawang imbestigasyon sa kaso.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Tuluyan nang pinasisibak sa serbisyo si Master Sgt. Hensie Zinampan, na nakuhanan ng video na bumaril at pumatay  sa isang ginang sa Quezon City noong Mayo.

Ito ang naging rekomendasyon ni PNP-Internal Affairs Service  chief Triambulo kay PNP chief, Gen. Guil­lermo ­Eleazar  matapos ang kanilang ginawang imbestigasyon sa kaso.

Ayon kay Triambulo, pinadala na nila ang kanilang resolusyon kay Eleazar sa pamamagitan ng  Directorate for Personnel and Records Management (DPRM)

Aniya, malakas na ebidensiya ang video upang makasuhan ng  murder at matanggal sa serbisyo si Zinampan.

Nabatid na hindi naman umapela si Zinampan sa ginawang  pagpatay kay Lilybeth Valdez, 52, ng Greater Lagro, Fariview Quezon City matapos na magkaroon ng pagtatalo noong Mayo 31.

Nakatalaga si Zinampan sa PNP Police Security and Protection Group

Sinabi naman ni Eleazar na babasahin muna niya ang  resolution   upang maiwasan ang anumang  isyu. Titiyakin naman niyang  matatanggal sa pagkapulis si Zinampan kung kinakailangan.

Tulad na rin aniya ng  sinapit ni Master Sgt. Jonel Nuezca na malapitang pinatay ang  mag-inang sina Sonia, 52, at Frank Anthony Gregorio, 25 sa Paniqui Tarlac noong December 2020.

TULUYAN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with