^

Metro

Pagbakuna sa essential workers sa Navotas, umarangkada na

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nasa 400 residente ng Navotas City kabilang sa A4 priority group o essential workers ang nabakunahan na kahapon.

Ayon kay Navotas City Mayor Toby Tiangco, nasa 200 na trabahador mula sa Navotas Fish Port Complex  na kinabibilangan ng Philippine Fisheries Development Authority (PFDA), fish porters, at registered fisherfolks ang nabigyan na ng  bakuna habang  ang  200 iba pa ay mula naman sa A1-A4 priority groups na nag-walk in para sa bakuna.

Sinabi ni  Tiangco na matagal nag  hinihintay ng mga ito ang bakuna bilang proteskyon sa virus.

Nauna rito, sa celebration ng Labor Day at instruction ng Department of Labor and Employment, 50 Navoteño essential workers ang nabigyan ng kanilang unang shot ng CoronaVac. Apat sa kanila ay natanggap na ang kanilang second dose.

“We understand that vaccines are limited. We hope to get more vaccines so we could continue providing protection to other members of the A4 priority group, many of whom want to be vaccinated,” ani Tiangco.

Samantala, 11,705 ang nakakumpleto ng kanilang ikalawang doses ng bakuna. 960 dito ang frontliners, 4,088 ang senior citizens, 6,651 ang persons with comorbidities, at apat ang essential workers.

PFDA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with