^

Metro

5 akusado sa Dacera case bumuwelta vs Makati police

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon
5 akusado sa Dacera case bumuwelta vs Makati police
Dakong alas-2 ng hapon nang personal na naghain ng kasong Conduct Unbecoming an officer sina Gregorio de Guzman, Valentine Rosales, Rom Galido, JP dela Serna at Clark Rapinan laban kay Makati Police chief Col. Harold Depositar at apat na iba pa.
Contributed Photos

MANILA, Philippines — Sinampahan ng kasong administratibo ng limang akusado sa Dacera murder case ang  mga pulis Makati sa Internal Affairs Office.

Dakong alas-2 ng hapon nang personal na naghain ng kasong Conduct Unbecoming an officer sina Gregorio de Guzman, Valentine Rosales, Rom Galido, JP dela Serna at Clark Rapinan laban kay Makati Police chief Col. Harold Depositar at apat na iba pa.

Kasama ang kanilang abogado na si Atty. Mike Santiago, hiling ng lima na  matanggal sa serbisyo si Depositar at  iba pa  dahil sa panggigipit ng mga ito sa kaso ng  pagkamatay ng flight attendant na si Christine Dacera noong January 1, 2021. Matatandaang ikinulong ang lima ng mga pulis nang walang sapat na batayan. Ayon sa mga akusado nagdulot sa kanila ng trauma  at kumpiyansa sa sarili  ang ginawa nila Depositar.

Agad din pinalaya ang  mga akusado matapos na ibasura ang kasong rape laban sa mga ito.  

DACERA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with