^

Metro

Sa pagkasawi ng curfew violator na pinag-pumping ng 300 beses

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon

Hepe ng Gen. Trias CityPolice, 2 tauhan sibak

CAVITE , Philippines — Sinibak sa puwesto ang hepe ng General Trias City Police at dalawa nitong tauhan na sangkot sa pagkamatay ng isang lalaki na kanilang hinuli dahil sa paglabag umano sa curfew at qua­rantine protocols matapos umano nilang pahirapan sa pamamagitan ng pag-pumping ng 300 beses.

Kinumpirma ni Cavite Provincial Police Office director P/Col. Marlon Santos ang pagsibak ng Napolcom kay Gen. Trias Police chief P/Lt. Col. Marlo Solero, at dalawang pulis na ‘di pa tinukoy ang mga pangalan dahil sa pagkasawi ng sinasabing curfew violator na si Darren Manaog Peñaredondo na taga-Malabon, Gen. Trias City, Cavite.

Ang pagtanggal sa puwesto sa tatlong pulis ay kasunod ng kanilang harapang pagtanggi sa isang interview na may nangya­ring pagpapahirap kay Peñaredondo at sa iba pang quarantine violators.

Makikita sa naka-up­load na video sa social media na nang umuwi si Peñaredondo sa kanilang bahay ay nahirapan nang tumayo at maglakad hanggang sa magkumbulsyon. Nang dalhin si Peñaredondo sa pagamutan ng kanyang live-in partner na si Reichelyn Balce ay binawian ng buhay ang una.

Iginiit ni Balce na sadyang pinahirapan ng mga pulis ang kanyang kinakasama at iba pang hinuli ng gabing iyon sa pamamagitan ng pag-pumping ng 300 beses na walang pahinga.

vuukle comment

MARLON SANTOS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with