^

Metro

71-anyos namaril: 1 patay, 1 sugatan

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
71-anyos namaril: 1 patay, 1 sugatan
Dead on arrival sa Perpetual Help Hospital ang biktimang si Ricky Dimatulac, ng BF Resort Village, Talon Dos, Las Piñas habang inoobserbahan pa sa nasabing ospital ang sugatang si Dominic Duclayan, 38, residente rin sa lugar.
STAR/ File

Naingayan sa motorsiklo

MANILA, Philippines — Isang 50-anyos na lalaki ang nasawi, habang isa pa ang sugatan nang barilin ng isang 71-anyos na kapitbahay na naingayan umano sa motorsiklo  sa BF Resort Village, Talon Dos, Las Piñas City, kamakalawa ng hapon.

Dead on arrival sa Perpetual Help Hospital ang biktimang si Ricky Dimatulac, ng BF Resort Village, Talon Dos, Las Piñas habang inoobserbahan pa sa nasabing ospital ang sugatang  si Dominic Duclayan, 38, residente rin sa lugar.

Nakilala ang suspek na si Ernesto Francisco, na tumakas sakay ng Ford Everest matapos ang krimen.

Kahapon sinasabing nahuli ito sa Cavite.

Sa ulat ni P/Lt. Jonathan P. Reyes, station  duty officer ng Las Piñas Police, dakong ala-1:40 ng hapon ka­makalawa nang maganap ang insidente sa nasabing lugar.

Sinita umano ng suspek si Duclayan dahil sa napakai­ngay na tunog ng motorsiklo nito na nauwi sa komprontasyon matapos umanong batukan ng suspek si Duclayan.

Namagitan naman si Dimatulac sa dalawa subalit nang maglabas umano ng baril ang suspek ay pinaputukan ang dalawa bago tumakas sakay ng Ford Everest.

Nabatid na si Dimatulac ay may pagawaan ng motorsiklo sa lugar kaya sa kaniya nagsumbong si Duclayan.

Apat na basyo ng bala ang narekober sa crime scene na sinasabing tatlo ang tumama kay Dimatulac kaya hindi na umabot ng buhay sa pagamutan.

vuukle comment

SUGATAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with