^

Metro

Sekyu tigok sa kabaro dahil sa pambu-bully

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Sekyu tigok sa kabaro dahil sa pambu-bully
Kinilala ang biktimang si Steven Morales, may live-in partner at security guard sa RAN PMC Compound at residente ng No. 27 St. Anthony Phase-2 A, Antipolo City.
STAR/ File

MANILA, Philippines  — Patay ang isang 41-anyos na security guard nang barilin ng kabaro sa loob ng isang bodega ng bigas sa Tondo, Maynila, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang biktimang si Steven Morales, may live-in partner at security guard sa RAN PMC Compound at residente ng No. 27 St. Anthony Phase-2 A, Antipolo City.

Arestado naman ang suspek na si Lemuel John Estrida, 29, may live-in partner at residente ng Barangay Camangyanan, Sta. Maria, Bulacan.

Sa ulat ni P/Staff Sgt. John Teody Siguen ng Manila Police District-Homicide Section, dakong alas 7:10 ng gabi ng Sabado (Okt. 17) nang maganap ang insidente sa loob ng RAN PMC Compound, sa No. 1613 A. Rivera St., corner Mayhalgue St., Tondo.

Habang naka-duty ang suspek sa gate nang lapitan ng biktima at ilang ulit siyang sinabihan ng “Umayos ka malapit ka na sa akin!” hanggang sa bumalik na sa kaniyang assigned post ang biktima.

Napikon at nagdilim umano ang isip ng suspek at siya naman ang nagtungo sa pwesto ng biktima at doon ay pinaputukan ng ilang beses ang biktima na tumama sa leeg at sa likod ng ulo.

Nagtangkang tumakas ang suspek nang sundan ito sa isang canteen sa Mayhalgue St. ng isang Henson Guballa at pinigil kaya agad naaresto ng mga tauhan ng Dagupan Outpost at narekober sa kaniya ang ginamit na kalibre 9 mm na baril na may kargang 5 bala.

Idineklara namang dead-on-arrival sa Jose R. Reyes Memorial Medical Center ang biktima.

Kasong murder ang nakatakdang ihaing kaso laban sa biktima na nakapiit sa MPD-Homicide Section custodial facility.

Depensa naman ng suspek, matagal na at paulit-ulit siyang binu-bully ng biktima habang nasa trabaho.

RAN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with