4 hinuli sa ‘prank’ video

1 isinako, iniwan sa gilid ng kalsada
MANILA, Philippines — Kulungan ang binagsakan ng apat na lalaki sa Valenzuela City na nais na magpatawa nang ilagay nila sa sako ang isa sa kanila at iwan sa gilid ng kalsada para magmukhang salvage victim.
Nirespondehan ng Valenzuela City police ang tawag ng isang netizen na nagsabing may nakita silang lalaki na isinilid sa sako at iniwan sa gilid ng kalsada sa Barangay Paso De Blas.
Nang imbestigahan ng pulisya doon nalaman na buhay ang lalaki sa loob ng sako habang natuklasan din na may tatlo pa itong kasamahan na nagtatago na siyang kumukuha ng video na inaupload nila sa social media.
Hindi naman nagtagumpay ang pagpapatawa ng mga ito na ngayon ay nahaharap sa kasong alarm and scandal at paglabag sa ordinansa ng lungsod sa community quarantine protocol.
- Latest

















