^

Metro

2 lolo, 1 pa huli sa pinatatakbong drug den

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Tiklo ang dalawang lolo at isa pa nilang kasamahan sa natuklasang drug den na kanilang pinatatakbo sa isinagawang  buy-bust operation, kamakalawa ng gabi sa Maynila.

Nakilala ang mga nadakip na sina Ricky Belarmino, 60; Bernardo Lauzon, 60,   at Rodolfo Garcia Jr., 28, pawang ng San Andres Bukid, ng naturang lungsod.

Sa ulat, alas-9:30 kamakalawa ng gabi nang magkasa ng buy-bust operation ang mga tauhan ng Drug Enforcement Unit ng Sta. Ana Police Station 6 sa isang bahay sa Crisolita Street, San Andres Bukid kung saan huli sa akto ang tatlong suspek makaraang bentahan ng ilegal na droga ang isang pulis na nagpanggap na buyer.

Nabatid din na pinatatakbo ng tatlong suspek ang bahay bilang drug den kung saan dito na ginagamit ng kanilang mga kustomer ang binibiling ilegal na droga sa ilalim ng kanilang proteksyon.

Nakumpiska ng mga pulis sa mga suspek ang tatlong plastic sachet na naglalaman ng nasa tatlong gramo ng shabu na may halagang P16,320, isang improvised shotgun o sumpak na may tatlong 12gauge na bala at mga drug paraphernalia.

vuukle comment

TIKLO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with