^

Metro

Talaan ng mga taga-Quezon City na COVID-19 patient, hingi sa mga ospital at laboratory

Angie del Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Upang mapabilis ang  contact tracing efforts ng Quezon City government, hiniling ng lokal na pamahalaan sa lahat ng public at private hospitals gayundin sa mga laboratories na mag-submit ng talaan ng mga indibiduwal sa lungsod na nakumpirmang may Covid-19.

Ayon kay QC Mayor Joy Belmonte, panahon na upang makiisa ang mga private at public health institutions para maisaayos ang data gathering at recording sa lungsod.

“When data is incomplete and reported late, the res­ponse of the city suffers. Adding more contact tracers and facilities is futile if the data is too poor to be of any use. Good and timely information is key to overcoming this disease,” pahayag ni Belmonte

May 100 representatives mula sa public at private hospitals, gayundin ng mga laboratories sa QC ang inatasang makipag-ugnayan sa City Health Department (CHD) at sa City’s Epidemiology and Surveillance Unit (CESU) para dito.

Kaugnay nito, sinabi ni Dr. Rolly Cruz, head ng City Epidemiology and Surveillance Unit (CESU), ang talaan ay gagamitin nilang basehan sa pagmomonitor ng mga close contact ng mga probable at suspected COVID patients para agad maipaalam sa kanila na agad maihiwalay at agad magamot para hindi na makahawa pa.

COVID-19

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with