2 babae nagpakalat ng tsismis vs barangay tserman, arestado
MANILA, Philippines — Inaresto ang dalawang babaeng “tsismosa” diumano nang pagsisigawan at magbitaw ng maanghang na salita at akusasyong hinggil sa kanilang barangay chairman sa gitna ng komprontasyon sa Leveriza St., Pasay City kahapon ng umaga.
Ipinagharap ng reklamong Intriguing Against Honor and Alarm and Scandal ang mga suspek na kinilalang sina Leonila Angeles, 53-anyos at May Cabelliza, 42, kapwa residente ng Leveriza St., Pasay City.
Sa ulat ng Pasay Police-Sub Station 1, naganap ang insidente dakong alas-9:45 ng umaga sa Leveriza St., sakop ng Brgy. 19.
Sa reklamo mismo ni Brgy. Chairman Erlinda Garcia ay dinakip at dinala ang dalawang babae sa Sub-Station 1 CCP Complex matapos magsisigaw sa gitna ng kalye.
Unang nilapitan at kinompronta ni Chairman Garcia ang dalawang babae kaugnay sa pagpapakalat umano ng tsismis at akusasyon na maraming anomalya ang mga proyekto ng nasabing barangay.
Sa halip na magpaliwanag, nag-eskandalo umano ang dalawa at isinigaw ang mga panghihiya at intriga laban sa mga nakaupong opisyal na nakaistorbo rin sa katahimikan ng mga residente.
- Latest