Dagdag na ruta ng bus, aarangkada na ngayon
MANILA, Philippines — Aarangkada na simula ngayong Biyernes, ang dagdag na ruta ng mga bus sa Metro Manila bilang bahagi nang dahan-dahang pagbabalik operasyon ng mga pampasaherong sasakyan sa ilalim ng general community quarantine (GCQ) sa NCR.
Ayon sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang tatlong city bus routes na bukas ngayong Biyernes, ay ang Route 1: Monumento - Balagtas, Bulacan, Route 17: EDSA - Montalban, Rizal at Route 18: NAIA Loop.
Susundan naman ito ng pagbubukas ng city bus routes sa darating na Lunes, June 8 para sa Route 3: Monumento - VGC, Route 11: Gilmore-Taytay at Route 21: Monumento - San Jose Del Monte
Ayon sa LTFRB kinausap na ang mga operator ng bus para madetermina ang dami ng unit na kailangang ma-deploy agad sa mga lansangan.
Ang dagdag na ruta ay bahagi naman ng 31 rationalized routes para sa Metro Manila na unti- unting bubuksan sa ilalim ng GCQ.
Ang hakbang ay ginawa ng LTFRB upang punan ang pangangailangan ng commuters na maghahatid sa kani-kanilang destinasyon sa MM na limitado lamang ang sakay.
- Latest