^

Metro

109 taga-Tondo nagpositibo sa COVID rapid test

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
109 taga-Tondo nagpositibo sa COVID rapid test
Lahat ng nagpositibo ay isasailalim din sa swab test RT-PCR para sa kumpirmasyon sa Delpan Quarantine Facility. Kapag nagpositibo, dadalhin ang mga ito sa Ninoy Aquino Stadium Quarantine Facility kung asymptomatic at sa Sta. Ana Hospital naman kung may karagdagang medical condition ang pasyente.
Edd Gumban, file

MANILA, Philippines — Umabot na sa 109 residente ng Tondo District 1 sa Maynila ang nagpositibo sa isinagawang rapid testing para sa coronavirus disease 2019 na ikinasa sa pagtatapos ng ipinatupad na ‘hard lockdown’ sa lugar.

Sa ulat ng Manila Health Department, nasa 1,451 residente ang isinailalim sa rapid testing na lagpas sa target na isanlibo. Isinagawa ang testing sa T. Paez High School, Tondo High School, Rizal Elementary School at Almario Elementary School.

Lahat ng nagpositibo ay isasailalim din sa swab test RT-PCR para sa kumpirmasyon sa Delpan Quarantine Facility. Kapag nagpositibo, dadalhin ang mga ito sa Ninoy Aquino Stadium Quarantine Facility kung asymptomatic at sa Sta. Ana Hospital naman kung may karagdagang medical condition ang pasyente.

Samantala, umabot na sa 281 mga pasaway na taga-Tondo ang dinakip ng Manila Police District dahil sa paglabag sa panuntunan ng ‘hard lockdown’ dakong alas-8:40 kamakalawa ng gabi.  

Nag-umpisa ang ‘hard lockdown’ sa Tondo District 1 noong Linggo at nagtapos kahapon ng alas-5 ng madaling araw na tu­magal ng 48-oras. Wala namang plano pa si Mayor Isko Moreno na i-extend ito ngunit sinabi niya na maaari pang magpatupad siya ng ‘hard lockdown’ sa iba pang distrito.

COVID-19

TONDO 1

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with