^

Metro

4 na tauhan ng Quezon City Jail, nakarekober na sa COVID-19

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Inihayag ng pamunuan ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) na nakarekober na mula sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) ang apat na tauhan ng Quezon City Jail na unang nagpositibo sa virus.

Ayon kay BJMP Spokesperson Chief Inspector Xavier Solda, ang mga ito ay kabilang sa siyam na BJMP personnel at siyam na preso mula Quezon City Jail na naiulat na dinapuan ng COVID-19 noong Abril 17.

Ani Solda, unti-unti na ring bumubuti ang lagay ng iba pang mga preso at tauhan ng Quezon City Jail.

Samantala, nananatili pa ring naka-isolate ang mga preso sa isang pasilidad sa Payatas.

Binibigyan rin naman aniya sila ng pagkakataong makausap ang kani-kanilang mga pamilya sa pamamagitan ng e-dalaw.

Anang opisyal, patuloy pa ring binabantayan ng mga awtoridad ang lagay ng mga taong nakasalamuha ng s­iyam na presong nagpositibo sa COVID-19, na kasalukuyan na ring naka-isolate.

Sinabi pa niya na pinaigting na nila ang paglilinis sa mga kulungan ng BJMP upang matiyak na wala nang iba pang preso at personnel na mahahawa ng karamdaman.

Mahigpit din aniya ang pagpapaalala nila sa mga preso na palaging magsuot ng face mask, maligo, at maghugas ng kamay para makaiwas na mahawahan ng virus.

 

 

QUEZON CITY JAIL

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with