Water bill ng mga kostumer ng Manila Water, maaaring malaman sa SMS
MANILA, Philippines — Maaari nang makuha ng mga kostumer ng Manila Water ang kanilang kasalukuyang bayarin sa pamamagitan ng SMS o text message.
Sa pamamagitan ng serbisyo, makukuha rin ng kostumer ang listahan ng mga payment facilities, partikular na ang mga online payment channels upang makapagbayad pa rin ang mga customer nang hindi umaalis ng kanilang tahanan dahil na rin sa ECQ.
Ang hakbang ay bilang tugon sa kahilingan ng mga kostumer para sa mas mabilis at madaling paraan upang malaman ang kanilang bayarin para sa seribsyo ng tubig.
Sa ilalim ng inilunsad ng ‘bill inquiry’ ng Manila Water, gamit ang kanilang mobile phones, ipapadala lang ng kostumer ang mga sumusunod na detalye sa 225600:
MW<space>BILL<space>CAN<space>huling 8 digits ng contract account number
Sa pamamagitan nito, makatatanggap naman ang kostumer ng text message kung saan nakalahad ang anumang outstanding balance, kung mayroon man, kasama na rin ang isang link para sa listahan ng mga pasilidad kung saan maaaring magbayad ang customer nang hindi na kailangan pang lumabas ng kanilang tahanan.
Maaari ring ang matatanggap na sagot ng kostumer ay impormasyon ukol sa overpayment o kawalan ng outstanding balance, kung ganito man ang sitwasyon.
Una nang naanunsyo ng Manila Water ang extension ng pagbabayad ng bill ng mga kostumer ng 30 araw dulot ng epekto sa kabuhayan ng enhanced community quarantine (ECQ).
- Latest


















