Vendors hinihikayat magpa-swabbing
CALOOCAN, Philippines — Kaugnay ng patuloy na laban kontra sa coronavirus disease 2019, magsasagawa ng community swab/rapid testing ang Caloocan City Health Department ngayon at bukas.
Ayon kay Caloocan City Mayor Oca Malapitan, isasagawa ngayong Lunes, alas-9:00 ng umaga sa Old City Plaza at ala-1:00 ng hapon sa Brgy. 34 Covered Court ang swabbing at alas-9:00 naman ng umaga bukas sa BB 150 Covered Court at ala-1:00 ng hapon sa Brgy. 14.
Paliwanag ni Malapitan dapat na sumailalim sa swabbing ang mga residente na nakakaranas ng anumang sintomas o na-expose sa isang nagpositibo o maaaring positibo sa virus at maaaring tumawag sa ating Covid-19 hotline o maaaring mag-walk in nang maaga.
Aniya, ang mga market vendor sa Maypajo Market na kabilang din sa mga itinuturing nating frontliners ay maaaring magpa-swab/rapid testing din upang malaman kung positibo o negatibo sa virus. Sa dami ng mga mamimili, iba-iba ang nakakasalamuha ng mga vendor na patuloy na nagtitinda kaya dapat din na iprayoridad sa mass testing na ito.
- Latest