3 pulis-Maynila iniimbestigahan sa pagpuslit ng 7 katao sa Tayabas
MANILA, Philippines — Nagbabala si National Capital Region Police Office (NCRPO) Chief Police Major General Debold Sinas sa mga pulis sa Metro Manila na huwag umabuso sa kapangyarihan upang hindi maharap sa kaso na posibleng maging dahilan ng pagkakatanggal sa serbisyo matapos makarating sa kaniya ang ulat sa ginawang pagpupuslit ng 7 sibilyan o unauthorized Personnel Outside Residence (UPOR) habang umiiral ang enhanced community quarantine (ECQ) sa buong Luzon.
Kahapon ay inatasan ni Sinas si Manila Police District (MPD) Director, P/Brig. Gen. Rolando Miranda na magsagawa ng precharge investigation at makipag-ugnayan sa Tayabas City Police Station para sa paghahain ng kaukulang kaso laban kay Patrolman Nerio Jojo Peñaflorida Bravo Jr., na nakatalaga sa District Mobile Force Battalion (DMFB), at naka-detail sa US Embassy sa Maynila.
Kasabay nito, pinagsusumite din ng paliwanag ang District Force Commander at immediate supervisor ni Patrolman Bravo Jr. sa isyu ng command responsibility.
Inatasan din ni Sinas na kunin ang inisyung baril kay Bravo habang ang Regional Personnel and Records Management Division ay inatasan naman na mag-isyu ng relief order.
Ang mga kasong kriminal at administratibo naman laban kay Bravo ay hawak na ng Regional Investigation and Detective Management Division at ng District Internal Affairs Service. “I have relayed my reminders as well to all commanders and head of offices to regularly check and monitor their personnel. Anybody caught doing illegal activities will face charges to be filed against them if warranted, and they will be relieved immediately,” ani Sinas.
Si Bravo ay kasalukuyang nasa kustodiya ng Tayabas City Police Station nang arestuhin sa pagbibiyahe ng pito katao nitong Abri 23 (Huwebes) mula sa Taytay, Rizal patungo sa Tayabas na siningil ng tig-P2,500 sakay sa minamanehong isang Mitsubishi Xpander na walang nakakabit na plate numbers
- Latest