^

Metro

Palaboy na may sintomas ng COVID natagpuang patay

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines  — Patay na nang madiskubre ang isang matandang palaboy na unang nakitaan na may sintomas ng posibleng coronavirus disease o COVID-19 kahapon ng umaga sa Port Area, Maynila.

Nakilala lamang sa kaniyang alyas na “Mario” ang nasawi, lalaki, nasa pagitan ng edad 65-77 taong gulang, nakasuot ng itim na sweatshirt at maong na pantalon.

Sa inisyal na ulat ng Manila Police District (MPD), dakong alas-6:10 ng umaga nang madiskubre ang bangkay ni Mario sa may kanto ng Atlanta at 15th Street sa Brgy. 651 Zone 68 District 5 sa Port Area.

Nabatid na huling nakita ng mga residente ng lugar ang nasawi kamakalawa ng gabi  na nakaupo sa kalsada.  Ilan sa mga dumaraan ang nakita siya na nakahiga at tinangkang gisingin para bigyan ng makakain ngunit nagulat nang makitang matigas na siya at wala nang buhay.
Agad na rumesponde sa lugar ang mga tauhan ng Ermita Police Station at kinordon ang lugar para walang makalapit sa bangkay.  Nabatid sa pagtatanong ng mga pulis na napagkikita ang biktima na panay ang ubo at nahihirapang huminga na mga sintomas ng COVID-19.
Dinala na ang bangkay sa akreditong punerarya habang gumagawa ng aksyon ang MPD sa pamamahala ng bangkay na hinihinalang may COVID-19 base sa protocol ng pamahalaan.

COVID-19

ERMITA POLICE STATION

MANILA POLICE DISTRICT

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with