Valenzuela City at The Medical City tandem sa libreng COVID-19 test
VALENZUELA, Philippines — Mabibigyan ng libreng test laban sa novel coronavirus disease 2019 o COVID-19 ang mga residente ng Valenzuela City alinsunod sa isang kasunduan ng city government at The Medical City.
Batay sa memorandum of agreement ng Valenzuela City at The Medical City (TMC) para sa unang public-private partnership nito, sasagutin ng pamahalaang lungsod ang pagkuha ng PCR (polymerase chain reaction) testing kits, habang ang TMC ang magpoproseso sa mga resulta.
Ayon naman kay Mayor Rex Gatchalian, kailangan pang maghintay ng ilang araw habang inaabangan ng TMC ang certification mula sa Research Institute of Tropical Medicine (RITM) para sa Stage 5 accreditation.
Bukod sa RITM, tanging ang San Lazaro Hospital, UP Institute of Health at Lung Center of the Philippines lamang ang Stage 5-certified na ospital sa National Capital Region.
Sa sandaling bigyan ng sertipikasyon ng RITM, sinabi ni Gatchalian na maaari nang magsuri ng samples ang TMC.
Nilinaw ni Gatchalian na layon ng kanilang partnership na agad na maisailalim ang mga may sintomas ng COVID-19 dahil puno na rin ang mga ospital ng mga pasyenteng may COVID-19.
Agad namang malalaman ang resulta ng test.
- Latest